Pampublikong Buhay

Pampublikong Buhay

Dinadala ito sa Mundo

Nang lumaki na at nakapag-ayos na ng buhay ang kanyang mga anak, nagkaroon ng mas malaking pagkakataon si Nirmala Srivastava na iukol ang kanyang atensyon at oras sa larangang pampubliko. Habang ang kanyang asawa ang namumuno sa UN International Maritime Organization sa London, sinimulan niya ang kanyang gawaing espirituwal kasama ang isang maliit na grupo ng tao roon. Nagsimula rin siyang maglibot sa bansa, nagbibigay ng mga lektura pati na rin ng karanasan ng self-realization. Di-nagtagal, kilalanin si Nirmala sa titulong parangal na Shri Mataji, na nangangahulugang 'Iginagalang na Ina,' habang kinikilala ng mga taong nakapaligid sa kanya ang kanyang natatanging katangiang espirituwal at pang-ina.

Hindi niya kailanman sinisingil ang mga lekturang ito o ang self-realization, iginigiit na ang pagpukaw ng enerhiyang espirituwal na natutulog sa loob ng lahat ng tao ay kanilang karapatan sa kapanganakan at samakatuwid ay hindi maaaring pagbayaran. Ang paraan ng meditasyon sa pamamagitan ng self-realization na binuo ni Shri Mataji ay tinawag na Sahaja Yoga. Sa simula ay ipinokus niya ang kanyang mga pagsisikap sa United Kingdom, dinala niya ang kanyang mensahe sa mga tagapakinig sa maliliit na bayan at malalaking lungsod. Naglibot siya sa bansa, nagbibigay ng mga panayam sa radyo at telebisyon, naghahawak ng mga lektura sa mga pampublikong bulwagan, at gumugugol ng maraming oras pagkatapos makipagkita sa mga indibidwal mula sa mga tagapakinig, matiyagang nakikinig sa kanilang mga kuwento at problema at nagbibigay ng payo.

Ito ang naging padron noong dekada 1980 nang simulan ni Shri Mataji ang paglilibot sa Europe, Australia, at North America. Itinuro niya ang Sahaja Yoga nang libre sa lahat ng interesado at lumahok sa mga masiglang debate at sesyon ng tanong-at-sagot tungkol sa papel ng espirituwalidad sa makabagong panahon.

Sa dekada 1990, kumalat ang kanyang mga paglalakbay tungo sa South America, Eastern Europe, Asia, at rehiyon ng Pacific.

Maraming honorary award at doctorate ang iginawad sa kanya mula sa mga institusyon sa buong mundo. Noong 1995, nagsalita siya sa Fourth World Conference on Women sa Beijing. Nagsalita rin siya tungkol sa Pandaigdigang Kapayapaan sa United Nations.

Shri Mataji kasama si Queen Elizabeth II
Shri Mataji kasama si Queen Elizabeth II

Noong 1997, ipinahayag ni Claes Nobel ang kanyang paghanga kay Shri Mataji at sa Sahaja Yoga, na kanyang inilarawan bilang "isang sanggunian sa pagtukoy sa tama mula sa mali" at bilang "isang pinagmumulan ng pag-asa para sa sangkatauhan."

Ang napapala ay ang kapayapaang nakamtan mo, ang pag-ibig na iyong napaunlad, ang habag na kaya mong ipamalas, ang dami ng relasyon at ang koneksyong kaya mong tumagos sa iba.

Explore this section

SHARE PAGE