Kanyang mga Pampublikong Programa
Isang Pandaigdigang Paglalakbay
Mula nang ipakilala niya ang pamamaraan ng Sahaja Yoga noong 1970, halos walang tigil sa paglalakbay si Shri Mataji -nagbibigay ng mga pampublikong programa, iniinterbyu ng media, nagsasalita sa mga internasyonal na kumperensya at seminar, nagtatatag ng mga organisasyong di-pampamahalaan, at naglalaan ng panahon kasama ang kanyang itinuturing na "global family."
Walang lugar na napakaliit o napakalayo upang hindi niya ito mapuntahan. Mula sa paanan ng Himalayas hanggang sa malalayong bahagi ng Australia; mula London hanggang Istanbul hanggang Los Angeles, inialay ni Shri Mataji ang kanyang panahon sa pagbabahagi ng karanasan ng self-realization sa bawat taong nagnanais nito. Mula sa unang bahagi ng dekada 1970 hanggang sa buong dekada 1980, patuloy at walang kapagurang nilibot ni Shri Mataji ang Europa, Australia at North America. Noong dekada 1990, lumawak pa ang kanyang mga paglalakbay at umabot sa South America, Africa, Russia, Eastern Europe, Asia at rehiyon ng Pacific. Ang isang sulyap sa paglalakbay ni Shri Mataji noong taong 1990 ay nagpapakita ng uri ng iskedyul na karaniwan niyang sinusunod, na kinabibilangan ng mahigit dalawang daang aktibidad sa dalawampu't anim na bansa kabilang ang Brazil, India, Australia, New Zealand, Russia, France, England, Poland, Spain, Italy, ang United States, at marami pang iba. Ang kabuuang distansyang nilakbay niya noong taong iyon ay lumampas sa isang daan at tatlumpu't limang libong kilometro, na katumbas ng pag-ikot sa buong mundo nang tatlong beses.
Kahanga-hanga ang lawak ng kanyang mga paglalakbay. Sa loob lamang ng mahigit apatnapung taon, itinuro at naitatag niya ang Sahaja Yoga sa mahigit isang daang bansa – isang patotoo sa kanyang walang kapagurang sigla at ganap na dedikasyon sa espirituwal na layunin at pagbabago sa buong mundo.
Ang interactive na mapa sa ibaba ay naglalaman ng mga audio-video link ng iba't ibang pampublikong programa, mga panayam sa media, kumperensya, workshop at seminar kasama si Shri Mataji mula 1970 hanggang 2011. Ang pag-click sa isang marker o grupo ng mga marker ay nagbibigay sa iyo ng karagdagang impormasyon, kabilang ang mga audio-video link sa mga programang naitala sa lokasyong iyon.