Ida Nadi

Ida Nadi

Mga Hangarin at Emosyon

Ang ating left energy channel (tinatawag na Ida Nadi sa Sanskrit), na kilala rin bilang moon channel, ay umuusbong mula sa unang sentro, ang Mooladhara Chakra, at naglalakbay pataas sa kaliwang bahagi ng ating katawan, nagtatapos sa kanang bahagi ng ating utak, bilang isang lobo.

Inilalarawan ni Shri Mataji ang lobong ito bilang ang superego na siyang nagsisilbing imbakan ng lahat ng ating alaala, ugali, at conditioning. Ito rin ang gumagabay sa ating moral na pag-uugali na natamo natin sa pamamagitan ng ating tradisyong pangkultura, pagpapalaki ng magulang, at kapwa nating tao.

Bago ang self-realization, nararanasan natin ang mga inhibisyong napupukaw ng ating superego bilang isang pakikibaka laban sa ating makasariling hangaring naghahanap ng kasiyahan.

Ang kagalakan ay isang mahalagang katangiang kaugnay sa left energy channel. Gayunpaman, ang kagalakang ito ay hindi sa kahulugan ng pagiging maligaya o naeexcite sa isang bagay; ang ganitong uri ay may hilig na maging panandalian at may kapintasan ng pagiging malungkot o mabigo kapag hindi nangyari ang mga bagay-bagay ayon sa inaasahan. Sa halip, ito ay kagalakan ng mas dalisay na kalidad. Inilalarawan ni Shri Mataji ang katangian ng dalisay na kagalakan ng ating Espiritu bilang isang bagay na ipinapahayag ang sarili bilang natural at kusang damdamin na hindi kaugnay sa ating mga pananaw o inaasahan. Ito ay may walang-hanggang kalikasan at wala nang makakadagdag o makakabawas sa dalisay na damdaming ito ng kagalakan. Ang katangiang ito ng dalisay na kagalakan ng ating Espiritu ay kusang pumapasok sa ating kamalayan pagkatapos ng self-realization at madaling mapapanatili sa pamamagitan ng regular na meditasyon.

Kinilala ni Shri Mataji ang ilang problemang dumarating sa ating buhay kapag naharangan ang ating left energy channel. Ang ganitong tao ay maaaring makaranas ng mga sukdulang emosyonal. Kabilang dito ang mga pagbabago ng mood na mabilis na lumilipat mula sa labis na kasiyahan tungo sa depresyon at pabalik-balik. Maaari rin niyang maranasan ang katamaran at matinding pagiging pasibo, na madalas na kaugnay sa "couch potato" syndrome.

Sa buod, naiimpluwensyahan ng left energy channel ang ating mga emosyon, damdamin, at hangarin. Konektado rin ito sa ating mga alaala at karanasan noong nakaraan. Hangga't nananatili sa normal na antas ang ating mga emosyon, nararanasan natin ang isang malusog at balanseng buhay. Gayunpaman, kapag nararanasan natin ang matinding emosyon tulad ng depresyon, pagkalungkot, at pananamlay, kailangan nating gumawa ng naaangkop na hakbang, at dito nagpakita ng magagandang resulta ang Sahaja Yoga meditation, marami sa mga ito ay matagumpay na sinaliksik sa mga klinikal na pag-aaral.

"Nagrekomenda si Shri Mataji ng napakasimpleng mga teknik na madali, ligtas, at kung saan maaari nating mabalanse ang ating left side at maitama ang negatibong epekto sa ating pagkatao emosyonal at mental. Ang regular na meditasyon, ang pagninilay-nilay sa kalagayan ng ating vibratory awareness, at ang paggamit ng mga teknik na ipinakita ni Shri Mataji upang linisin ang ating left side ay pumupukaw ng mga bagong damdamin ng kagalakan at isang masigla at positibong saloobin patungo sa buhay."