Establishing Balance

Pagtatatag ng Balanse

Ang Yin at Yang ng Buhay

Ngayon, ang problemang pangekolohiya na ito ay maaaring malutas sa sandaling mabago na ang tao at mapaunlad ang kanilang balanse. Sapagkat tayo ay hindi balanse, kaya naman naging hindi balanse rin ang kalikasan.

Ang mabilis na takbo ng mundo ngayon ay nagdudulot ng maraming hamon sa isang mapayapang pamumuhay, kapwa sa ating sarili bilang mga indibidwal at bilang bahagi ng isang pandaigdigang lipunan na humaharap sa mga pandaigdigang problema. Ang pagbabago ng klima, kawalang-balanseng pang-ekonomiya at panlipunan — lahat ng ito ay mga sintomas ng malalim na hidwaan sa ating kamalayan bilang tao, na hindi natin mababalanse sa pamamagitan lamang ng paghahanap ng panlabas na solusyon. Nang hindi alam ang tunay na kahulugan ng ating pag-iral, patuloy tayong nakapipirmi sa paghahanap ng panlabas na solusyon sa mga problema nang hindi lumalalim ang ating pagsusuri sa ating sarili. Kung makokonekta tayo sa ating likas na kalikasan, matatawid natin ang pinagmumulan na magbibigay ng mga solusyon.

Upang matagpuan ang ating gitnang landas, kailangan nating maging malay sa ating sariling subtle na panloob na balanse. Ang pagkababae (yin) at pagkalalaki (yang) na arketipo ay humuhubog sa ating pagkatao at nagpapahayag ng sarili sa kalikasan ng ating mga emosyon, pagnanasa, at gawain, na nakakaimpluwensya sa subtle na balanse ng enerhiya sa ating left at right channel. Ang labis na hilig sa ating pamumuhay ay nagpapapigil sa likas na balanseng ito, at nakakaranas tayo ng mga problemang pisikal, mental, at emosyonal.

Pinakikilala tayo ng Sahaja Yoga meditation sa isang bagong kalagayan ng thoughtless awareness. Sa kalagayan ng malalim na katahimikan, natatagpuan natin ang tamang landas para sa ating sarili, sa ating kapwa, at sa ating lipunan, at ang lahat ay lumalabas nang kusa, ihinahayag ang isang ganap na bagong mundong higit pa sa ating imahinasyon.

"Sinasalamin lamang natin ang mundo. Ang lahat ng hilig na naroroon sa panlabas na mundo ay matatagpuan din sa mundo ng ating katawan. Kung mababago natin ang ating sarili, mababago rin ang mga hilig sa mundo. Habang binabago ng isang tao ang kanyang sariling kalikasan, gayundin nagbabago ang saloobin ng mundo patungo sa kanya. Ito ang kataas-taasang banal na misteryo. Isang kahanga-hangang bagay ito at ang pinagmumulan ng ating kaligayahan. Hindi natin kailangang maghintay upang makita kung ano ang ginagawa ng iba."
Mahatma Gandhi

Nag-aalok sa atin ang Sahaja Yoga meditation ng isang natatanging sandali upang palalimin ang ating karanasang espirituwal sa isang larangang higit pa sa ating isip. Ito ay isang mapayapang oras kung kailan tunay nating mailalayo ang ating sarili mula sa kaguluhan ng pag-iisip. Ang pag-iisip tungkol sa kung ano ang mangyayari, o kung ano ang nangyari na. Nagbibigay-daan ang thoughtless awareness upang mapokus tayo sa kasalukuyang sandali, na mahalaga upang mapayapang harapin ang anumang sitwasyon sa buhay.

YouTube player

Itatag mo ang iyong sarili, balansehin, at lumago. Lumago tungo sa pagiging dakilang tao.